--Ads--

Muling nabigo ang Alas Pilipinas Girls laban sa Venezuela matapos matalo sa apat na set, 22-25, 15-25, 25-20, 22-25, sa classification round ng FIVB Girls’ U17 World Championship sa Santiago, Chile.

Sinubukan ng Pilipinas na makabawi matapos ang panalo sa ikatlong set, ngunit hindi na nagpatinag ang Venezuela upang maselyuhan ang panalo at umusad sa laban para sa ika-13 puwesto.

Pinangunahan ni Xyz Rayco ang Alas Pilipinas sa naitalang 15 puntos habang nag-ambag si Caera Celis ng 14 puntos. Nagdagdag naman sina Jello Mauricio, Megan Hernandez, Madele Gale, at Jhaynna Bulandres ng mahahalagang puntos para sa koponan.Sa kabila ng pagkatalo, may pagkakataon pa ang Alas Pilipinas na tapusin ang torneo sa positibong nota sa kanilang paghaharap kontra Czechia para sa ika-15 puwesto, habang hangad nilang maputol ang limang sunod na pagkatalo.