--Ads--

Umabot na sa 3,535 ang bilang ng mga nasawi habang 16,740 ang nasugatan matapos ang magkasunod na magnitude 7.2 at 7.5 na lindol na tumama sa Venezuela noong nakaraang linggo.

Ayon sa mambabatas na si Jorge Rodriguez, nasa 17,854 katao rin ang nawalan ng tirahan, habang mahigit 12,800 ang pansamantalang nanunuluyan sa mga evacuation center sa Caracas at La Guaira.

Tinatayang 60,000 gusali ang nasira o gumuho dahil sa lindol, habang nagbabala ang mga eksperto sa posibleng krisis sa kalusugan dahil sa kakulangan ng malinis na tubig at serbisyong medikal.