--Ads--
Pumanaw na sa edad na 30 ang dating miyembro ng Sugarpop na si Vanessa Rangadhol matapos maaksidente sa condominium na kanyang tinutuluyan sa Maynila nitong Miyerkules, Agosto 19.
Kinumpirma ng kanyang pamilya ang malungkot na balita sa social media at hiniling ang privacy para sa kanyang ina at iba pang kaanak habang nagluluksa. Hindi pa inilalabas ang detalye ng aksidente at hinihintay pa ang anunsyo ng pamilya kaugnay sa kanyang wake at funeral arrangements.
Si Rangadhol ay dating miyembro ng Sugarpop, grupong nabuo mula sa mga finalist ng singing competition na Pop Star Kids noong 2005, kasama sina Julie Anne San Jose, Rita Daniela, Pocholo Bismonte at Enzo Almario.











