--Ads--

Magpapataw ang Estados Unidos ng tinawag nitong “pinakamabigat na sanctions sa kasaysayan” laban sa Iran, ayon kay US Treasury Secretary Scott Bessent.

Sinabi ni Bessent na layunin nitong pataasin ang economic pressure sa Tehran at mabawasan ang pangangailangan para sa panibagong malawakang operasyong militar.

Kasunod ito ng banta ni US President Donald Trump na papatawan ng economic consequences ang mga bansang magbibigay ng anumang tulong sa Iran.

Samantala, tinawag ng Iran na “economic terrorism” ang mga ipinapataw na sanctions ng US, na anila’y higit na makaaapekto sa ordinaryong mga mamamayan.

--Ads--

Inaasahang magbibigay pa ang US ng karagdagang detalye sa mga hakbang laban sa Iran sa Lunes.