--Ads--

Magtatakda ng panibagong milestone si Broadway icon Lea Salonga matapos siyang mapabilang sa mga pararangalan ng Hollywood Walk of Fame, bilang kauna-unahang Filipina na magkakaroon ng sariling bituin.

Isasagawa ang seremonya sa September 4 para sa kanyang pagkilala sa kategoryang Live Theatre/Live Performance ng Class of 2026.

Sumikat sa buong mundo si Salonga bilang Kim sa “Miss Saigon,” kung saan nakuha niya ang Tony Award, at bilang singing voice nina Princess Jasmine sa “Aladdin” at Mulan sa “Mulan.”

Kasunod nito, pararangalan din siya ng Manila International Film Festival ng Icon Award sa September 6 sa Beverly Hills, California.

--Ads--