--Ads--

Gumawa ng kasaysayan si Lea Salonga matapos maging kauna-unahang Pilipino na ginawaran ng sariling bituin sa Hollywood Walk of Fame.

Iginawad sa kanya ang ika-2,855 bituin sa Hollywood Boulevard sa Los Angeles, California, sa seremonyang ginanap sa harap ng Hollywood Pantages Theatre.

Sa kanyang talumpati, nagbiro pa ang Broadway icon na “Feel free to walk on me.”

Kabilang sa nagbigay ng mensahe sa seremonya sina Darren Criss, Brandy at Ming-Na Wen, habang dumalo rin si H.E.R.

--Ads--

Kilala si Salonga sa kanyang mga pagganap sa Broadway at bilang singing voice ni Princess Jasmine sa “Aladdin” at Mulan sa “Mulan.”

Siya rin ang kauna-unahang Pilipino at unang Asian na nagwagi ng Tony Award for Best Actress in a Musical para sa “Miss Saigon,” bukod sa pagkamit ng Laurence Olivier Award.