--Ads--

Aabot sa 16 Chinese vessels ang namonitor ng Armed Forces of the Philippines o AFP sa ilang bahagi ng West Philippine Sea mula Agosto 18 hanggang 24.

Ayon kay AFP spokesperson for the West Philippine Sea Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, kabilang sa mga namonitor ang 11 China Coast Guard vessels sa Ayungin Shoal, apat sa Bajo de Masinloc at isa sa Pag-asa Islands.

Wala namang namataang Chinese vessel sa Escoda Shoal sa naturang panahon.

Mas mababa ito kumpara sa 23 Chinese vessels na namonitor ng AFP sa West Philippine Sea mula Agosto 11 hanggang 17.

--Ads--

Patuloy ang tensyon sa South China Sea dahil sa malawak na inaangking teritoryo ng China, kabilang ang ilang bahagi ng karagatang sakop ng Philippine exclusive economic zone.

Noong 2016, nagpasya ang Permanent Court of Arbitration sa The Hague na walang legal na batayan ang malawak na maritime claims ng China sa South China Sea. Hindi naman kinikilala ng Beijing ang naturang desisyon.