--Ads--

Hinamon ng Chinese Embassy ang mga mambabatas ng Pilipinas na ituloy ang panawagang ideklarang persona non grata si Chinese Ambassador Jing Quan, kasunod ng kaniyang pahayag na madaling mananalo ang China sakaling lumala ang tensyon sa West Philippine Sea.

Sa social media, sinabi ng embahada na dapat itigil ng mga mambabatas ang umano’y pananakot kung hindi naman nila itutuloy ang naturang hakbang.

Tinarget din ng embahada si Philippine Coast Guard spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela, matapos akusahan itong pagbabanta kay Jing. Agad namang itinanggi ni Tarriela ang interpretasyon ng embahada at iginiit na mali ang salin ng kaniyang pahayag.

Nauna nang binatikos ng ilang mambabatas, Department of Foreign Affairs at Department of National Defense ang pahayag ni Jing, na itinuring ng mga opisyal bilang tila pagbabanta sa Pilipinas.

--Ads--

Patuloy namang tumitindi ang tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China dahil sa magkakasalungat nilang pag-aangkin sa West Philippine Sea.