--Ads--

Tinapos na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang imbestigasyon sa mga alegasyon laban kay Colonel Raymund Lachica kaugnay ng umano’y maling paggamit ng confidential funds.

Ayon kay AFP spokesperson Colonel Francel Margareth Padilla, inirekomenda ng militar ang pagtatapos ng inquiry matapos tanggapin at umaksyon ang Office of the Ombudsman sa mga reklamong isinampa laban kay Lachica.

Ipinaliwanag ni Padilla na ginawa ito upang maiwasan ang pagdodoble ng imbestigasyon, habang iginagalang ng AFP ang hurisdiksyon ng Ombudsman at karapatan ni Lachica sa due process.

Samantala, sinabi ng AFP na maaari pa ring dumalo si Lachica sa impeachment proceedings sa Senado sakaling makatanggap ito ng kaukulang summons.

--Ads--

Nananatili namang aktibong sundalo si Lachica at kasalukuyang nasa “attached unassigned status” sa Philippine Army headquarters habang nagpapatuloy ang proseso sa Ombudsman.

Ayon pa sa AFP, maaari siyang humingi ng legal assistance sa Judge Advocate General Service o kumuha ng sarili niyang abogado.