--Ads--

Mula sa pagiging abogado, haharap bilang testigo sa impeachment court si Vice President Sara Duterte’s defense counsel Michael Poa sa Setyembre 2 upang tumestigo para sa House prosecution panel.

Nagsilbi si Poa bilang DepEd undersecretary at tagapagsalita ng kagawaran noong si Duterte ang kalihim nito.

Tutuon umano ang testimonya ni Poa sa naging paglalabas ng confidential funds ng Department of Education o DepEd noong panahon na si Duterte ang kalihim ng ahensya.

Kasama ring ihaharap ng prosecution si Marizza Grande ng Philippine Statistics Authority o PSA.

--Ads--

Samantala, hindi na umano tatawagin ng prosecution panel bilang testigo si Maj. Gen. Adonis Bajao, na kabilang sana sa mga saksi na ihaharap sa susunod na linggo.

Ayon kay lead prosecutor Gerville Luistro, hiniling nila ang pagpapalabas ng subpoena ad testificandum kay Poa at Grande upang masulit ang oras na inilaan ng impeachment court para sa paglilitis.

Gayunman, sinabi ni Senate President at presiding officer Francis “Chiz” Escudero na hindi na kailangan ang subpoena kay Poa dahil naroroon ito sa paglilitis at nagpahayag nang handang tumestigo.

Sinabi ni Escudero na kung hindi makadalo ang dalawa pang testigong nakatakdang humarap sa Setyembre 1, si Poa na ang agad na tatawagin sa witness stand upang hindi masayang ang oras ng impeachment court.