--Ads--

Hindi bababa sa 95 katao ang nasawi matapos ang matinding pagbaha sa border ng Nepal at Tibet nitong Miyerkules.

Nagsimula ang sakuna matapos gumuho ang malaking tipak ng putik at bato sa isang ilog, na nagdulot ng rumaragasang tubig na tumangay sa mga bahay, kalsada, tulay at mga pasilidad ng kuryente sa Nepal.

Aabot naman sa daan-daang katao ang nawawala, kabilang ang mahigit 340 dayuhang turista. Kabilang sa mga nawawala ang mahigit 100 Indian nationals, tatlong Amerikano at 12 Briton.

Ayon sa mga awtoridad, posibleng may kaugnayan sa isang lindol ang pagguho na nagdulot ng pagbaha, habang patuloy pang inaalam ang eksaktong sanhi ng insidente.

--Ads--

Samantala, iniulat ng China na tinamaan din ng mudslide ang Gyirong border crossing sa Tibet, kung saan mayroon ding mga nawawala at malawakang pinsala sa mga kalsada, komunikasyon at suplay ng kuryente.

Patuloy ang search and rescue operations sa mga apektadong lugar habang pinangangambahang maaari pang tumaas ang bilang ng mga nasawi at nawawala.