--Ads--

Arestado ang isang tricycle driver na tinaguriang Street-Level Individual (SLI) matapos ikasa ng mga operatiba ang isang operasyon sa Brgy. Maligaya, Tumauini, Isabela.

Kinilala lamang ang suspek sa alyas “Sean,” 40 taong gulang, may asawa, at residente ng Brgy. District 1, Tumauini, Isabela.

Ayon sa ulat, nagsasagawa ng intelligence monitoring at information gathering ang mga tauhan ng Tumauini Police Station at Provincial Intelligence Unit (PIU) nang mamataan ang suspek na umano’y nagbabanta sa mga dumaraan sa kalsada.

Nang lapitan upang pakalmahin, naging agresibo umano ang suspek at tangkang bumunot ng baril. Agad siyang napigilan ng mga operatiba at nakumpiska ang dipa matukoy na uri baril mula sa kanyang pag-iingat.

--Ads--

Sa isinagawang paghahalughog, nakumpiska rin mula sa kanyang bulsa ang dalawang heat-sealed transparent plastic sachet na pinaniniwalaang naglalaman ng shabu at isang dilaw na lighter.

Dinala ang suspek kasama ang mga ebidensya sa Tumauini Police Station para sa kaukulang disposisyon at legal na proseso.