--Ads--

Nilinaw ng Malakanyang na hindi nangangahulugang tumigil sa kanyang tungkulin si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. matapos umani ng batikos ang kanyang pag-awit sa birthday celebration ng First Lady Liza Araneta-Marcos noong Agosto 26.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, patuloy na nakaantabay at nagbibigay ng direktiba si Marcos sa mga ahensya ng pamahalaan kaugnay ng epekto ng malalakas na pag-ulan sa bansa.

Iginiit ni Castro na naglaan lamang ng ilang oras ang Pangulo para sa kanyang pamilya habang nagpapatuloy naman ang operasyon ng pamahalaan.

Sinabi rin ng opisyal na patuloy na minomonitor ni Marcos ang sitwasyon at tinitiyak na nakararating ang agarang tulong sa mga komunidad na apektado ng masamang panahon.

--Ads--

Dagdag ni Castro, hindi hadlang ang family time sa pagtupad ng Pangulo sa kanyang mga responsibilidad.