Itinulak ni Nueva Vizcaya Congressman Tim Cayton ang karagdagang manpower, fire trucks at personnel ng Bureau of Fire Protection (BFP) para sa lalawigan sa isinagawang budget briefing ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa House Committee on Appropriations.
Binigyang-diin ni Cayton ang pangangailangan ng karagdagang personnel sa mga field office ng DILG upang mas mapalakas ang suporta nito sa mga lokal na pamahalaan.
Iginiit din ang mas mahigpit na monitoring sa peace and order situation sa Kasibu, partikular sa mga isyung may kaugnayan sa mining operations, at mas pinaigting na koordinasyon sa pagitan ng Philippine National Police (PNP) at Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Bukod dito, isinulong ang karagdagang fire trucks at fire stations para sa mga lugar na nangangailangan nito, kabilang ang Alfonso Castañeda at Provincial Government.
Iminungkahi rin ang dagdag na BFP personnel upang matiyak ang sapat na manpower sa pagpapatakbo at paggamit ng mga fire truck, fire station at iba pang kagamitan.Tiniyak naman ng mga kinauukulang ahensya ang kanilang suporta sa manpower augmentation, mas mahigpit na peace and order monitoring at patas at transparent na recruitment sa BFP batay sa merit at fitness.











