--Ads--

Nakiisa si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa paggunita ng bansa sa National Heroes’ Day at nanawagan sa mga Pilipino na higit pa sa pag-alala ang gawin para parangalan ang mga bayani ng bansa.

Sa kanyang mensahe, sinabi ng pangulo na mahalagang isabuhay ng bawat mamamayan ang mga adhikain ng mga bayani at ipagpatuloy ang kanilang nasimulang pagtataguyod para sa bansa.

Binigyang-pugay rin ni Marcos ang mga makabagong bayani gaya ng mga sundalo, guro, health workers, magsasaka, mangingisda, overseas Filipino workers, at iba pang mamamayang nagsisilbi at tumutulong sa kapwa.

Pinangunahan din ng pangulo ang pag-aalay ng bulaklak sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City kasama ang ilang opisyal ng pamahalaan at mga beterano bilang paggunita at pagpupugay sa mga bayani ng bansa.

--Ads--