--Ads--

Sisimulan na ni Pinay tennis ace Alex Eala ang kampanya nito nga­yong araw sa pagharap kay American netter Mary Stoiana sa ope­ning round ng US Open women’s singles sa Louis Armstrong Stadium sa USTA Billie Jean King Center sa Flushing Meadows, New York.

Nakatakda ang bakbakan nina Eala at Stoiana sa alas-8:40 Martes ng gabi o
alas-8:40 ng umaga oras sa Pilipinas.

Nasa No. 18 si Eala sa WTA rankings habang malayo si Stoiana na nasa No. 122 posisyon.

Ito ang ikalawang pagkakataon na maghaharap sina Eala at Stoiana.

--Ads--

Una nang nagtagpo ang dalawa noong 2024 kung saan nanaig si Eala sa iskor na 7-5, 6-2 sa Round of 16 ng isang ITF event sa Amerika.

Ngunit ibang usapan na ang US Open na isang Grand Slam event.

Mataas ang moral ni Stoiana na galing sa tatlong sunod na panalo sa quali­fying round para makahirit ng tiket sa main draw ng US Open.

Excited na rin si Stoiana na maglaro sa isang jampacked stadium dahil alam nitong dinudumog ang bawat laro ni Eala sa halos lahat ng torneong sinasalihan nito.

Nais ni Eala na malampasan ang kanyang se­cond-round finish noong nakaraang taon sa US Open.

Magiging kaakibat ni Eala sa kampanya nito sa US Open ang Pinoy fans na tiyak na dadagsa sa venue para suportahan ito sa kanyang laban.