--Ads--

Nilinaw ng Bureau of Jail Management and Penology o BJMP na ang mga jail facility ay hindi lamang lugar para ikulong ang persons deprived of liberty o PDL, kundi nagsisilbi ring pasilidad para sa kanilang kalusugan, rehabilitasyon at paghahanda sa pagbabalik sa komunidad.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Jail Chief Inspector Susan Encarnacion, sinabi niyang kabilang sa regular na serbisyong ipinagkakaloob sa mga PDL ang pangangalagang pangkalusugan, kabilang ang pagbibigay ng maintenance medicines sa mga may hypertension at iba pang nangangailangan ng regular na gamutan.

Tinitiyak umano ng mga nurse sa bawat shift ang wastong pagbibigay ng mga kinakailangang gamot upang maiwasan ang posibleng komplikasyon sa kanilang kalusugan.

Bukod sa serbisyong medikal, nagpapatupad din ang BJMP ng iba’t ibang programang nakatuon sa rehabilitasyon at paghahanda sa mga PDL para sa kanilang paglaya at muling pagbabalik sa komunidad.

--Ads--

Ayon sa ahensya, bahagi ng mandato nito ang pangangalaga sa kapakanan at rehabilitasyon ng mga PDL upang matulungan silang maging mas handa sa muling pagharap sa lipunan.