--Ads--

Gumanti ang Iran matapos muling maglunsad ng airstrikes ang Estados Unidos laban sa mga target ng Islamic Revolutionary Guard Corps (IRGC) sa Iran.

Ayon sa Iranian state media at Jordanian Armed Forces, nagpakawala ang Iran ng ballistic missiles patungo sa mga pasilidad ng militar ng US sa Iraq at Jordan. Sa Jordan, 13 missiles ang naiulat na na-intercept, kabilang ang 10 na tuluyang napabagsak.

Wala namang naiulat na nasawi o nasugatan sa missile attack sa Jordan, habang tatlong missile ang bumagsak sa malalayong lugar.

Samantala, sinabi ng Iranian Red Crescent na apat na katao, kabilang ang isang bata, ang nasawi at mahigit 50 ang nasugatan matapos tamaan ng shrapnel ang isang bahay na pinagdarausan ng wedding celebration sa Sirik, southern Iran.

--Ads--

Ayon sa US Central Command, isinagawa ang mga pag-atake laban sa IRGC matapos ang mga umano’y tangkang pag-atake nito sa commercial shipping sa Strait of Hormuz.

Nagbabala naman si US President Donald Trump na mas matindi pang pag-atake ang ilulunsad ng Estados Unidos sakaling gumanti ang Iran.