--Ads--
Tinamaan ng Russian drone ang headquarters ng Security Service of Ukraine (SBU) sa Kyiv nitong Biyernes, na ikinasugat ng 12 katao.
Ayon sa Ukrainian authorities, unang pagkakataon itong tinamaan ng pag-atake mula nang magsimula ang giyera mahigit apat na taon na ang nakalilipas.
Sinabi ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky na direktang tinarget ng drone ang opisina ng SBU chief na si Oleksandr Poklad, na ligtas naman sa insidente.
Patuloy na nakararanas ng halos tuloy-tuloy na aerial attacks ang Kyiv, habang nahaharap ang Ukraine sa kakulangan ng air defense systems at interceptor missiles.
--Ads--











