
Lumobo ng 385.3 percent ang bilang ng contributors sa Personal Equity and Retirement Accounts o PERA, na umabot sa 30,055 hanggang katapusan ng Hunyo mula sa 6,193 noong nakaraang taon.
Batay sa datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP, tumaas din ng 36.7 percent ang cumulative contributions sa PERA, mula 554.1 milyon piso tungo sa 757.6 milyong piso.
Ayon kay Presidential Legislative Liaison Office Secretary Joey Salceda, maaaring magsilbing development capital ang retirement savings dahil maaari itong mamuhunan sa bonds, equities, infrastructure at business expansion.
Ang PERA ay isang boluntaryong savings at investment account na nagbibigay ng tax incentives sa mga kwalipikadong contributor.
Pinalawak din ng BSP ang digital access sa PERA at pinayagan ang bank time deposits bilang eligible investment upang makahikayat ng mas maraming savers.
Gayunman, nananatiling maliit ang PERA kumpara sa kabuuang savings ng bansa, na umabot sa 8.4 trilyong piso noong 2025 batay sa Philippine Statistics Authority.










