--Ads--

Bumaba ng 48% ang mga naitalang krimen o 8 focus crimes sa lalawigan ng Isabela nitong buwan ng Agosto.

Ang 8 Focus Crimes ay mga krimeng pangunahing mino-monitor at binibigyang-prayoridad sa crime prevention at law enforcement operations ng Philippine National Police na kinabibilangan ng Murder, Homicide, Rape, Theft, Physical Injuries, Robbery, Carnapping, at Motorcycle Theft.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PCapt. Scarlette Topinio, Information Officer ng Isabela Police Provincial Office (IPPO), sinabi nito na nitong Agosto ay mayroon lamang naitalang 13 kaso sa lalawigan, mas mababa sa 25 kaso na naitala noong Hulyo.

Ito ay bahagi ng kanilang mandato sa pagpapanatili ng peace and order sa kanilang nasasakupan sa pamamagitan ng mas pinaigting na police visibility, intelligence monitoring, at community relations.

--Ads--

Samantala, ngayong ‘Ber’ months ay nagdagdag ng karagdagang pwersa ang IPPO sa mga matataong lugar na madalas puntahan tuwing holiday season upang mapanatili ang kapayapaan sa lalawigan.