--Ads--

Bahagyang bumagal ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo sa bansa matapos bumaba sa 6.2% ang inflation rate noong Hulyo, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) ngayong Miyerkules.

Ito na ang ikatlong sunod na buwan ng pagbaba ng inflation mula nang pumalo ito sa mahigit tatlong taong pinakamataas na antas na 7.2% noong Abril.

Mas mababa ang naitalang inflation noong Hulyo kumpara sa 6.4% noong Hunyo, ngunit mas mataas pa rin ito kumpara sa 0.9% na naitala sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.

Sa unang pitong buwan ng 2026, umabot sa average na 5% ang inflation rate, na mas mataas sa itinakdang target ng pamahalaan na 2% hanggang 4% na itinuturing na antas na kayang pamahalaan at makatutulong sa paglago ng ekonomiya.

--Ads--

Sa isang press briefing, sinabi ni National Statistician Claire Dennis Mapa na pangunahing dahilan ng pagbagal ng inflation noong Hulyo ang pagbaba ng presyo sa sektor ng transportasyon, kabilang ang halaga ng gasolina.