--Ads--
Lumago sa pinakamabilis na antas sa halos isang dekada ang manufacturing sector ng Pilipinas nitong Agosto, bunsod ng mas mataas na produksyon at malakas na demand.
Ayon sa S&P Global, umakyat sa 54.9 ang PMI mula 51.8 noong Hulyo—pinakamataas mula Disyembre 2016.
Dinala ng mas maraming bagong orders, export sales at repeat customers ang paglago, habang unang beses sa limang buwan na nadagdagan ang workforce ng mga manufacturer.
Kasabay nito, bumagal ang pagtaas ng input costs at umangat sa pinakamataas mula Nobyembre 2024 ang business confidence ng sektor.
--Ads--








