--Ads--

Kinumpirma ni Senator-Judge Kiko Pangilinan sa Senate Impeachment Court na pormal nang nagpahayag si Senador Rodante Marcoleta ng kanyang kagustuhang makibahagi sa nagpapatuloy na impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Pangilinan, nagpadala na ng komunikasyon si Marcoleta sa Senate President at sa Presiding Officer upang pormal na hilingin na payagan siyang makibahagi sa mga paglilitis.

Ginawa ito ni Pangilinan kasunod ng manifestation ni Senador Erwin Tulfo na humihingi ng paglilinaw hinggil sa 16-vote threshold para sa conviction ng isang impeachable official gaya ni Vice President Sara Duterte.

Sinabi ni Pangilinan na maaari ring maging pagkakataon ang usapin upang mapag-usapan at mapagdesisyunan ng Impeachment Court ang pakikibahagi ng mga senador na nakakulong sa mga aktibidad ng Senado.

--Ads--

Sa kasalukuyan, nakadetine si Marcoleta sa New Quezon City Jail Male Dormitory at nahaharap sa kasong plunder.

Non-bailable ang naturang kaso at nag-ugat umano sa mahigit 75 milyong pisong halaga ng hindi idineklarang campaign donations na sinasabing ginamit niya noong kumandidato siya noong 2025.