--Ads--

Inaasahang haharap bilang testigo si dating Senator Antonio Trillanes IV sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte kaugnay sa alegasyon ng unexplained wealth ng pangalawang pangulo.

Ayon kay House Deputy Speaker Paolo Ortega V, mahalagang bahagi ng paglilitis ang magiging testimonya ni Trillanes dahil matagal na nitong sinusuri ang finances ng pamilya Duterte.

Ayon naman kay Manila Representative at House prosecutor Joel Chua, lumitaw sa mga rekord ng Anti-Money Laundering Council o AMLC ang ilang bank transaction na unang iniugnay kay Trillanes noong impeachment deliberations sa House Committee on Justice.

Inakusahan ni Trillanes na ang ilang deposito sa mga bank account ay nagmula umano sa ilegal na kalakalan ng droga.

--Ads--

Samantala, sinabi ni Chua na pangungunahan nina Representatives Terry Ridon ng Ako Bicol at Chel Diokno ng Akbayan ang presentasyon ng mga ebidensya para sa Article II.

Kabilang umano sa mga posibleng iharap na testigo ang representatives ng mga bangko.