--Ads--
Nailigtas ni Natalie Collins ang Filipinas matapos nitong makapuntos sa huling minuto para itabla ang laban kontra Uzbekistan, 1-1, sa 20th Asian Games sa Japan.
Umiskor ang 19-anyos na si Collins sa ika-89 minuto sa kanyang debut para sa senior national team, matapos maunang makapuntos si Mehribon Egamberdieva para sa Uzbekistan sa ika-81 minuto.
Dahil sa draw, kapwa may isang puntos ang Filipinas at Uzbekistan sa Group G.
Susunod na makakaharap ng Filipinas ang Hong Kong sa Huwebes, bago ang China sa kanilang huling laro sa group stage.
--Ads--











