--Ads--
Nagtala ng record sa kasaysayan ang bansang Japan.
Sa unang pagkakataon kasi ay nahigitan na nito ang 100,000 na bilang ng mga tao na may edad 100 o pataas.
Ayon sa Ministry of Health, Labor and Welfare, na ang populasyon ng mga centenarians ay muling umakyat sa ika-56 na pagkakataon.
Ngayong buwan pa lamang ng Setyembre ay mayroon ng 107,677 ang bilang ng mga centarian sa Japan.Gamitin Ang Kalendaryo
--Ads--
Ito ay halos 8,000 na mas mataas kaysa sa nakaraang taon.
Karamihan sa nasabing bilang ay mga kababaihan na binubuo 88 percent o katumbas ng 94,298.
Sinabi naman ni Health Minister Kenichiro Ueno na marami ng mga mamamayan nila ang nananatiling aktibo at malusog na pangangatawan.







