--Ads--
Hindi bababa sa 82 katao ang nasawi matapos gumuho ang isang gold mine sa West Kordofan state, Sudan.
Ayon sa Kordofan Observatory, kabilang sa mga nasawi ang mga artisanal miner na nagtatrabaho sa Al-Zaraa mine malapit sa bayan ng Al-Nuhud nang gumuho ang magkakadugtong na mining shafts.
Tinatayang 50 iba pa ang sugatan, habang hindi pa alam kung ilan ang nananatiling na-trap sa ilalim ng mga guho.
Dahil walang specialized rescue team, mga residente at kapwa minero lamang na may dalang simpleng kagamitan ang nagsasagawa ng paghahanap at pagsagip sa mga nakaligtas.
--Ads--
Patuloy ang search and rescue operation, at maaari pang madagdagan ang bilang ng mga casualty.







