--Ads--
Hindi bababa sa 72 minero sa minahan ng ginto ang nasawi sa naiulat na airstrike sa bulubunduking bahagi ng Sudan, malapit sa pinagtatalunang border nito sa Egypt.
Ayon sa grupong Emergency Lawyers, militar ng Egypt ang nasa likod ng pag-atake sa mga sibilyang minero. Gayunman, hindi pa nakukumpirma ang ulat at wala pang opisyal na pahayag ang Egypt.
Ito na ang ikalawang naiulat na pag-atake sa lugar ngayong taon. Noong Hunyo, 23 minero rin ang nasawi sa kahalintulad na insidente.
Matagal nang pinagtatalunan ng Sudan at Egypt ang Halaib Triangle, isang lugar na mayaman sa likas na yaman. Samantala, patuloy na nagdurusa ang Sudan sa digmaang nagsimula noong Abril 2023 sa pagitan ng hukbo ng bansa at ng Rapid Support Forces.
--Ads--











