Planong humingi ng gabay ang Energy Regulatory Commission o ERC sa Bureau of Internal Revenue o BIR kung paano aalisin ang value added tax o VAT sa system loss charge sa electricity bill.
Ayon kay ERC Chairman Nino Juan, hindi umano simpleng pagtanggal lamang ng VAT sa bill dahil dumadaan ang suplay ng kuryente sa generation, transmission at distribution bago makarating sa mga consumer.
Tinatayang magsisimula sa October consumption ang epekto ng pagtanggal ng VAT, ngunit makikita ito ng mga consumer sa November billing dahil may isang buwang pagitan bago masingil ang nakonsumo nilang kuryente.
Samantala, nanawagan ang Power for People Coalition sa pagbibitiw ni Energy Secretary Sharon Garin, dahil umano sa paraan ng Department of Energy sa pagtugon sa energy crisis.











