--Ads--
Pinayuhan ng Embahada ng Pilipinas ang mga Pilipinong naninirahan at nagtatrabaho sa France na manatiling mapagmatyag bunsod ng nagpapatuloy na mga kilos-protesta sa naturang bansa.
Hinimok ng Philippine Embassy ang Filipino community na maghanda ng 72-hour emergency kit at tiyaking madaling makuha ang kanilang mga pasaporte, pera at mahahalagang dokumento sakaling magkaroon ng emergency.
Pinayuhan din ang mga OFW na panatilihin ang komunikasyon sa kanilang pamilya at regular na subaybayan ang mga balita at abiso ng lokal na awtoridad.
Para naman sa mga nangangailangan ng agarang tulong, pinapayuhan silang makipag-ugnayan sa mga opisyal na emergency hotline ng embahada.
--Ads--











