--Ads--

Nabigo ang Alas Pilipinas Women sa kanilang opening match sa women’s volleyball tournament ng 20th Asian Games matapos talunin ng defending champion na China, 18-25, 22-25, 8-25, nitong Miyerkules sa Okazaki Chuo Sogo Park Gymnasium.

Naging dikit ang laban sa unang dalawang sets, kung saan ilang beses nakalamang ang Pilipinas bago tuluyang maagaw ng China ang momentum.

Nanguna para sa Alas si Angel Canino na may 14 puntos, habang nagdagdag si Eya Laure ng 10 at Alyssa Solomon ng siyam na puntos.

Samantala, nagtala si Xin Tang ng 18 puntos para sa China, habang may 17 naman si Yushan Zhuang.

--Ads--

Susunod na makakaharap ng Alas Pilipinas ang Kazakhstan bukas, Setyembre 17.