--Ads--

Arestado ang isang tricycle driver matapos isilbi ng mga awtoridad ang warrant of arrest laban sa kanya sa Zone 2, Research, Minante 1, Cauayan City dakong alas-12:40 ng hapon nitong Setyembre 20.

Ang suspek ay 46 anyos, may asawa at residente ng naturang lugar.

Isinagawa ang operasyon ng Manhunt Charlie Tracker Team ng Cauayan City Police Station bilang lead unit, katuwang ang mga tauhan ng Regional Intelligence Division-Regional Tactical Group at Provincial Intelligence Unit.

Inihain sa akusado ang warrant of arrest na inilabas noong Agosto 11, 2026 ni Judge John Amador L. Malana, Presiding Judge ng Municipal Trial Court in Cities, para sa kasong Slight Physical Injuries sa ilalim ng Criminal Case No. 26-125.

--Ads--

Itinakda ng korte sa dalawang libong piso ang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng akusado.

Bago dinala sa himpilan ng pulisya, ipinaalam sa akusado ang kanyang mga karapatan alinsunod sa Miranda Doctrine at Republic Act 9745 o Anti-Torture Act of 2009.

Kasalukuyan siyang nasa kustodiya ng Cauayan City Police Station para sa booking procedure at kaukulang dokumentasyon bago iharap sa issuing court.