--Ads--

Nag-uwi ng bronze medal para sa Pilipinas si Carlos Alvarez matapos ang kanyang kampanya sa Mixed Martial Arts Men’s Traditional -77kg division sa 2026 Aichi-Nagoya Asian Games sa Japan.

Sa semifinals na ginanap sa Nagoya City Inae Sports Center, natalo si Alvarez sa 0-3 decision laban kay Yerkingali Burkutalin ng Kazakhstan sa isang dikit at matinding laban.

Bago ito, tinalo ng 27-anyos na Filipino fighter si Ananda Wahyu Setyo Prabowo ng Indonesia sa quarterfinals sa pamamagitan ng 3-0 sweep.

Sa kabila ng pagkatalo sa semifinals, nakasiguro si Alvarez ng bronze medal para sa Team Pilipinas.

--Ads--