Tinatayang ₱2.75 trilyon ang nawala umano sa ekonomiya ng Pilipinas mula ikalawang quarter ng 2025 dahil sa epekto ng korapsyon at inflation, ayon kay Senate President Win Gatchalian.
Ayon kay Gatchalian, kabilang sa tinatawag na actual losses ang pagbaba ng government construction at household consumption, habang kasama naman sa opportunity losses ang mga investment na hindi natuloy dahil sa pangamba sa korapsyon.
Kaugnay nito, iniulat ng Philippine Statistics Authority na lumago ng 5.5% ang ekonomiya noong second quarter ng 2025. Gayunman, ayon sa OECD, bumagal ang paglago sa ikalawang bahagi ng 2025 kasabay ng matinding pagbaba ng public construction at paghina ng household consumption na iniugnay sa corruption scandal sa public works.
Samantala, sinabi ng Philippine News Agency na bumagsak ng 51.7% year-on-year ang government infrastructure spending noong Abril 2026, sa ₱41.5 bilyon mula ₱85.8 bilyon noong Abril 2025.










