--Ads--

Nagpatupad ang Energy Regulatory Commission o ERC ng iisang pamantayan sa pag-apruba ng mga electric meter na ginagamit sa pagsingil ng konsumo ng kuryente.

Sa ilalim ng Resolution No. 29, Series of 2026, ang mga meter type na papasa sa requirements ng ERC ay bibigyan ng Certificate of Approval na karaniwang may bisa ng 10 taon at hindi na maaaring i-extend.

Ayon sa ERC, layunin ng bagong rules na matiyak na nakatutugon sa regulatory standards ang mga meter bago gamitin sa billing at makatulong na maiwasan ang maling paniningil sa kuryente.

Hindi naman kailangang palitan o ipaapruba muli ang mga kasalukuyang meter dahil lamang sa bagong patakaran at mananatiling balido ang kanilang existing certificates hanggang sa expiration nito.

--Ads--