--Ads--

Pinag-aaralan ng Energy Regulatory Commission (ERC) na ibaba pa sa 50 kilowatts (kW) ang retail choice threshold pagsapit ng 2027 upang mas marami pang konsyumer ang mabigyan ng pagkakataong pumili ng kanilang supplier ng kuryente.

Ayon kay ERC Chairperson at CEO Francis Saturnino Juan, sinusuri pa ng komisyon ang epekto ng kamakailang pagbaba ng threshold sa 100 kW mula sa dating 500 kW.

Sinabi niya na bahagi ito ng roadmap ng ERC para unti-unting mapalawak ang Competitive Retail Electricity Market hanggang sa household level, kung saan lahat ng konsyumer ay magkakaroon ng kalayaang pumili ng kanilang electricity provider.

Umaasa naman ang ERC na magiging handa ang mga distribution utilities at electric cooperatives sa pagpapatupad ng mas mababang threshold sa susunod na taon.

--Ads--