--Ads--

Nakuha ni Filipina archer Amaya Amparo Cojuangco ang makasaysayang silver medal sa Women’s Compound Individual event ng 20th Asian Games sa Aichi-Nagoya, Japan.

Sa unang pagkakataon na nakapasok ang Pilipinas sa finals ng nasabing event, lumaban nang dikit si Cojuangco kontra kay Nurisa Dian Ashrifah ng Indonesia sa gold medal match.

Matapos ang limang ends, nagtapos ang laban sa iskor na 139-137 pabor kay Ashrifah, ngunit naghatid pa rin si Cojuangco ng makasaysayang podium finish para sa bansa sa compound archery.

Bago ang finals, hinarap ni Cojuangco ang quarterfinal at semifinal rounds upang makapasok sa championship match ng torneo.

--Ads--

Ang silver medal ni Cojuangco ay dagdag sa kampanya ng Pilipinas sa 20th Asian Games at patunay sa patuloy na pag-angat ng bansa sa larangan ng archery.