--Ads--

Tinamaan ng Russian drone ang isang paaralan sa Kyiv, Ukraine habang nasa loob ng gusali ang mga bata at guro na sumisilong.

Nagdulot ang pagsabog ng malaking butas sa bahagi ng gusali at pinsala sa ikatlong palapag, na sinundan pa ng sunog.

Ayon sa mga opisyal, walang nasaktan sa mga estudyante at guro na nasa paaralan nang mangyari ang insidente.

Naganap ito habang nakararanas ang Kyiv ng mas pinaigting na aerial attacks mula sa Russia.

--Ads--

Nagbabala rin ang Ukraine sa pagdami ng mas mabilis na jet-powered drones na sinasabing naglalagay ng karagdagang hamon sa kanilang air defense systems.