--Ads--

Nag-aalok ang National Food Authority o NFA ng mas mataas na presyo sa pagbili ng palay upang mahikayat ang mga magsasaka na dito ibenta ang kanilang ani at mapalakas ang rice buffer stock ng bansa.

Ayon kay NFA Administrator Larry Lacson, nasa ₱4 hanggang ₱5 kada kilo ang lamang ng alok ng NFA kumpara sa presyo ng mga trader.

Layunin nitong makapag-replenish ng stocks bilang paghahanda sa posibleng pagbaba ng produksyon ng palay dahil sa “super” El Niño, na ayon sa Department of Agriculture ay maaaring magbawas ng hanggang 700,000 metric tons sa produksyon ng bigas.

Sa ngayon, nasa 75 araw na suplay ang rice buffer stock ng bansa, kaya sinabi ni Lacson na nasa magandang posisyon ang NFA sa kabila ng inaasahang epekto ng El Niño.

--Ads--