--Ads--

Dumalo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mass oath-taking ceremony ng nasa 4,000 bagong promote at bagong talagang education personnel ng Department of Education o DepEd Region 2 sa Santiago City, Isabela ngayong Oktubre 2, 2026.

Isinagawa ang seremonya sa Santiago Sports Arena sa Barangay Baluarte bilang pagkilala sa mga bagong promote at bagong hire na teaching at non-teaching personnel sa Cagayan Valley.

Bahagi ito ng Expanded Career Progression o ECP System na naglalayong magbigay ng mas maraming oportunidad sa career advancement ng mga public school teacher at school head.

Saklaw sa Region 2 ang mga teaching position mula Teacher I hanggang VII, Master Teacher I hanggang IV at Principal I hanggang IV.

--Ads--

Kasama rin sa inisyatiba ang 1,197 bagong likhang non-teaching positions na layong palakasin ang instructional at administrative support sa mga paaralan at tugunan ang kakulangan sa personnel sa rehiyon.