--Ads--

Arestado ang dalawang babae matapos makumpiskahan ng nasa P9.2 milyong halaga ng pekeng food seasoning sa isinagawang buy-bust operation sa Marilao, Bulacan nitong Oktubre 1.

Nagsagawa ng operasyon ang CIDG Bulacan Field Unit, kasama ang Food and Drugs Authority at mga kinatawan ng Nestle Philippines, sa isang warehouse sa Barangay Patubig.

Nakumpiska sa operasyon ang 3,006 kahon ng umano’y pekeng food seasoning na tinatayang nagkakahalaga ng P9,255,000.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang dalawang suspek at nahaharap sa kaukulang kaso.

--Ads--