--Ads--

Ipinamalas ni Philippine bet Angelica Lopez ang kulturang Pilipino matapos rumampa bilang isang “mangkukulam” sa National Costume Competition ng Miss Grand International 2026 sa Bangkok, Thailand.

Suot ni Lopez ang 19-kilogram na likha ng designer na si Patrick Isorena, na nagtatampok sa isang malaking pigura ng mangkukulam habang nakadikit sa likod niya ang mala-ragdoll na katawan.

Pinaganda pa ang kanyang pagtatanghal gamit ang mga karayom sa costume at malaking pusong may pulang bato at beads na tila dugo.

Ayon kay Lopez, ang costume ay pagbibigay-pugay sa mga kuwentong-bayan, tradisyon at kulturang humubog sa imahinasyon at pagkakakilanlan ng mga Pilipino.

--Ads--

Susunod na haharap si Lopez sa Preliminary Competition kung saan paglalabanan ng mga kandidata ang swimsuit at evening gown categories. Ang grand final ng Miss Grand International 2026 ay nakatakda sa Oktubre 10.