--Ads--

Umakyat na sa 30 ang bilang ng mga nasawi sa malagim na sunog na sumiklab sa isang bar at restaurant sa Bangkok noong Linggo ng gabi habang may live music performance.

Ayon sa mga awtoridad, 75 katao ang nasugatan kabilang ang 24 na nasa kritikal na kondisyon. Ito na ang pinakamapaminsalang sunog sa lungsod sa nakalipas na 17 taon.

Patuloy namang naghahanap ang ilang pamilya sa kanilang mga nawawalang mahal sa buhay habang kinukuha ng mga kaanak ang mga labi ng mga biktima sa Police General Hospital.

Sinabi ng mga awtoridad na karamihan sa mga nasawi ay pinaniniwalaang namatay dahil sa paglanghap ng makapal na usok at natagpuang nakulong sa mga palikurang walang bintana habang tinatakasan ang apoy.

--Ads--

Patuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang sanhi ng sunog, kabilang ang posibilidad ng electrical fault at mga paglabag sa safety regulations ng establisimyento.