--Ads--

Lumipat na sa Senate majority bloc si Senador Mark Villar matapos siyang mahalal bilang miyembro ng Commission on Appointments at chairman ng Senate Committee on Public Works nitong Huwebes, Oktubre 8, 2026.

Isinulong ni Senate Majority Leader Juan Miguel “Migz” Zubiri ang pagkakahalal kay Villar sa dalawang posisyon at walang tumutol dito.

Kinumpirma rin ni Zubiri na ang pagkakahalal kay Villar ay bilang bahagi na ng majority bloc.

Naganap ang paglipat ni Villar sa majority dalawang linggo matapos niyang bumoto pabor sa mosyon na umapela sa desisyon noong Hulyo 6 na nagtakda sa 16 na boto bilang kinakailangang bilang para sa conviction sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

--Ads--

Dahil dito, nasa 14 senador na ngayon ang majority bloc, habang 10 senador naman ang nasa minority.

Sa minority, apat na senador ang kasalukuyang hindi dumadalo sa mga sesyon.

Kabilang dito sina Senators Jinggoy Estrada at Rodante Marcoleta na nakadetine kaugnay ng magkahiwalay na kasong plunder, habang nagtatago naman si Senator Ronald “Bato” dela Rosa dahil sa warrant of arrest na inilabas laban sa kanya ng International Criminal Court.

Samantala, naka-extended medical leave naman si Senator Loren Legarda.