--Ads--
Bumaba sa pinakamababang antas sa loob ng tatlong taon ang gross international reserves o GIR ng Pilipinas nitong Setyembre, bunsod ng foreign exchange operations ng BSP para mapatatag ang piso.
Batay sa datos ng BSP, bumaba sa $99.996 billion ang GIR mula sa $104.845 billion noong Agosto.
Ito na ang pinakamababang antas mula Setyembre 2023.
Ayon sa BSP, kabilang sa dahilan ng pagbaba ang foreign exchange operations, pagbaba ng halaga ng gold holdings at iba pang reserve assets, at paggamit ng gobyerno ng foreign currency deposits para sa external debt payments.
--Ads--
Gayunman, sinabi ng BSP na sapat pa rin ang reserves upang matugunan ang import needs, external debt obligations at magsilbing panangga laban sa economic shocks.










