Makakaranas ng maulap na kalangitan at mga pag-ulan ang ilang bahagi ng bansa dahil sa Intertropical Convergence Zone o ITCZ at northeasterly windflow.
Maulap na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Bicol Region, Eastern Visayas, Quezon, Marinduque at Romblon dahil sa trough ng LPA. Posible ang flash floods at landslides dahil sa katamtaman hanggang sa paminsan-minsang malakas na pag-ulan.
Sa Mindanao, natitirang bahagi ng Visayas at Palawan, makakaranas din ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms dulot ng ITCZ, na maaari ring magdulot ng pagbaha at pagguho ng lupa.
Samantala, maulap na may mga pag-ulan sa Cagayan Valley, Apayao, Kalinga, Mountain Province, Ifugao at Aurora dahil sa northeasterly windflow.
Bahagyang maulap hanggang maulap naman ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon, na may posibilidad ng isolated rainshowers o thunderstorms dahil sa localized thunderstorms. Maaari ring magkaroon ng flash floods at landslides kapag malakas ang thunderstorm.











