Hiniling ng nga volunteer na nagpapanatili ng kaayusan at seguridad sa paligid ng Our Lady of the Pillar Parish – Cauayan City ang kooperasyon ng mga tricycle driver partikular sa pagsunod sa tamang pagpaparada upang hindi makaabala sa daluyan ng mga sasakyan at nga debotong dumadalo sa simbahan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Emarlo Corpuz, radio patroller at volunteer ng Masa Task Force, sinabi nito na kabilang sa kanilang mga tungkulin ang pagtulong sa pagpapanatili ng kaayusan at seguridad sa paligid ng simbahan ngayong ipinagdiriwang ang ika-285 na patronal fiesta ng Our Lady of the Pillar Parish.
Gayunman, isa sa mga hamong kanilang kinakaharap ang ilang tricycle driver na hindi sumusunod sa mga paalala hinggil sa tamang lugar ng pagpaparada.
Aniya, ginagawa lamang ng mga volunteer ang kanilang tungkulin upang mapanatili ang kaayusan sa lugar.
Dahil dito, umaasa silang higit na makikipagtulungan ang mga motorista at susunod sa kanilang mga paalala upang matiyak ang maayos na daloy ng trapiko at maiwasan ang abala sa mga deboto at iba pang dumaraan sa lugar.











