--Ads--

Nasugatan sa mukha at labi ang isang barangay kagawad matapos umanong suntukin ng sarili niyang kapatid sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Gappal, Cauayan City, Isabela.

Nangyari ang insidente bandang alas-7:00 ng umaga nitong Lunes, Oktubre 12.

Batay sa ulat ng pulisya, personal na nagtungo sa himpilan ang biktimang kagawad upang ireport ang pananakit na ginawa sa kanya ng kaniyang kapatid.

Sa salaysay ng biktima, pinapakain niya ang kanilang inang bedridden nang bigla umanong pumasok sa kanilang tahanan ang kaniyang kapatid at walang sabi-sabing pinagsusuntok siya.

--Ads--

Dahil sa insidente, nagtamo ng mga sugat sa mukha at labi ang biktima.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang motibo ng suspek sa pananakit sa sarili nitong kapatid.