--Ads--

Kinumpirma ng Malacañang ngayong Miyerkules na bibisita sa Pilipinas si United States President Donald Trump para dumalo sa ASEAN Summit sa Nobyembre.

Huling bumisita si Trump sa Pilipinas noong 2017, kung saan nakipagpulong siya kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa isang pagtitipon ng mga lider ng Association of Southeast Asian Nations o ASEAN.

Ang Pilipinas ang magsisilbing punong-abala o host sa ASEAN Summit ngayong 2026 bago ipasa ang pamumuno sa Singapore sa susunod na taon.